Seeking God’s presence should be a lifestyle..and not an emergency kit!!
TAMA!
dapat kahit wala tayong problema o sakit, nagdadasal pa rin tayo.:)
marami kasi sa atin, naaalala lang ang Diyos kapag may problema sila at kapag may kailangan..
hindi naman required ang pagdadasal..ito ay isang obligasyon..
kailan ka huling nagdasal?
kailan mo huling kinausap ang Diyos?
kahit simpleng, good morning LORD! masaya na sya dun..
kapag naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay mo ang pagdadasal, pansinin mo, gagaan ang mga problema mo.:)
ipalaganap natin ang Salita ng Diyos at ang Hiwaga ng PANALANGIN!:)
Palawan Experience.:)
wiw.. ang daming exciting at first time na pangyayari sa aking pagpunta sa Palawan..
Brooke’s Point, Palawan.. sobrang sayang experience.. iba’t ibang tao ang nakakwentuhan at nakahalubilo ko..
First time kong sumama sa Peregrinatio Pro Cristo.. gumagawa ng mga Apostolic Works.. Mass Assistance, House to House Visitation, inaalam kung ilan ang hindi pa nabibinyagan at hindi pa nakukumpilan at nakaksakal sa Lugar na iyon.. mayroon kaming 7 couple na naipakasal, isang Netibo na napaconvert at napabinyagan sa Katoliko..at 3 napakumpilan.. ang sarap sa pakiramdam ng ganun..nakatulong ka sa ibang tao at nailapit mo sila sa Diyos..;’)
perstaym ko ding maging ninang sa kasal..wahehe.. nahiya naman na akong tumanggi.. sabi ng iba bawal daw kasi dalaga pa ako at bata pa..kesyo hindi raw ako makakapag-asawa at kung anu-anong pamahiin pa wahehe.. hindi kasi ako mapaniwalain sa mga pamahiin..
for me, as long as alam mo ang responsibility mo as Ninang sa kasal..ok lang yan.:)
nagkaroon din ako ng time para magmuni-muni doon.. ang sarap sa pakiramdam..parang bago ako ulit.;)
may nagtanong sa akin, “bakit kailangan nyo pang pumunta doon para magsagawa ng mga ganyan e may mga parokyano naman doon.”
sabi ko, “minsan kasi kapag nasa loob ka ng isang sistema, hindi mo nakikita ang mga mali at ang problema..kailangan mo ng mga taong taga-labas para ipa-realize sayo na may mali..kailangan nyo ng ibang tao para tulungan kayo sa problema ninyo..hindi naman masama ang humingi ng tulong..sabi nga, no man is an island..kailangan nating magtulungan..”
meron din kaming nakasabay na mga madre doon.. mga taga- Daughters of St. Paul sila..or Paulines.. nakausap ko sila..
feeling ko ang Holy Holy nila wahehe..ang taba taba talaga ng puso ko tuwing nakakausap ko ang mga Madre at PAri..
iniimbitahan nila ako.. honestly, never in my entire roller coaster life na pinangarap kong maging Madre..
pero merong isang gabi na napaisip ako.. Para kaya ako sa PAGMAMADRE??
my gulay!gulong gulo ako nun..
nag-pray ako..
mahilig kasi ako sa mga signs.. kaya humingi ako ng sign kay God.. sabi ko, kapag nakakita ako ng shooting star sa gabing yun, nakatadhana akong maging Madre..pag hindi..hindi ako para doon..
edi abang abang ako ng shooting star habang nagdadasal,
“LORD..KAYO NA PONG BAHALA SA AKIN.:)”
11:30pm na nun..antok na ako, wala pa din shooting star..
tseden!kaya nasolve ang gumugulo sa isip ko..wahehe..
ang sarap sa pakiramdam..
nagpray ako ulit, “Salamat Lord!.:)”
kahit naman hindi ako magmadre makakapagserve pa rin ako sa Diyos at sa Kapwa ko..yun ang sigurado akong nakatadhana na sa akin.:)
wii.:) GOD and MAMA MARY IS SO GOOD!
yahoo!akala ko talaga hindi ako papayagan ng boss ko..
but thank GOD!naging posible ang imposible!
pinayagan akong magLEAVE ng 10 days..
PALAWAN HERE I COME!:)
ito namang kantang to e para sa dalawang taong nagmamahalan pero madaming hadlang sa kanila o madaming tutol sa kanila..
baka naman kasi may asawa na ang isa sa kanila wahehe..charot..wahehe..
parang ang hirap ng ganun no…may mga taong nalulungkot sa kaligayahan mo..
napaisip tuloy ako..nangyari na ba sa akin to??
Hmm..hindi pa ata ee..wahehe..weak kasi ako ee..di ko kayang ipaglaban ang mahal ko..ayoko ng kumplikadong sitwasyon..naniniwala kasi ako na kapag ganyan ang sitwayson nyo, hindi kayo para sa isa’t isa..o you have a right love at a wrong time.. (kanta??wahehe.)
Mas ok na yung ako yung magsakripisyo..nakz!umeechoz pa ako e no??wahehe!
Basta pinakapinaniniwalaan ko..bawat isa sa atin ay may nakalaan na tao, taong si God ang magbibigay.:)
haii..kakasoundtrip, napApad ako dito..actually first time ko lang marinig to..pero tinamaan na ang puso ko..hindi naman ako broken pero nadadala ako sa kantng to..
nalulungkot tuloy ako wahehe..asar..tapos kung anu-ano pa naiisip ko..ay hindi, kung SINU-SINO pala..
ang daming WHAT IF sa utak ko..
ang dami kasing mga linya na tumama sa akin wahehe..di ako nakailag..
siguro kung dati ko pa to narinig, nung panahong broken ako..napaiyak na siguro ako wahehe..
haii..nakakabaliw wahehe..
BABAE, PARA SAYO ITO!
IKAW BA AY NASA RELASYONG MAY PANG-AABUSO
Nangyayari ang pang-aabusong pisikal at seksuwal nang walang babala. Ngunit, may mga palatandaan ito o “ red flags” na magsisilbing babala na may magaganap na pang-aabuso. Ang sumusunod na halimbawa ay mga pag-uugali ng isang taong mapang –abuso. Kung ang iyong sagot ay Oo, sa isa o sa mas marami pang mga katanungan dito, maaaring kayo ay nasa relasyong may pang-aabuso , o nanganganib na mapabilang dito.
Ginagawa ba sa iyo ng iyong asawa, partner o boyfriend ang sumusunod :
- tuksuhin ka nang nakasasakit sa harap ng maraming tao o kahit kung kayong dalawa lamang ?
- ang tawagin kang “ gago”, “ puta” , “ tanga”, “bobo”, atb.?
- magselos sa iyong mga kaibigan,pamilya, o kasama sa trabaho o akusahan kang may gusto sa iba?
- mapagalitan dahil sa mga isinusuot mo o sa ayos ng iyong buhok
- subaybayan ka sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o pasubaybayan ka sa iba?
- samahan ka sa mga pupuntahan mo o pasamahan ka sa ibang tao para mabantayan ka?
- sapilitang alamin kung sino ang kausap sa telepono ?
- sisihin ka sa mga problema o sa kanyang hindi magandang pakiramdam o sa pagiging madali niyang magalit?
- takutin ka sa pamamagitan ng pagsuntok sa pader , walang ingat na pagmamaneho at iba pang nakatatakot na gawain?
- Madalas na pag-inom ng alak o paggamit ng droga o sapilitan kang painumin o pagamitin ng droga na kasama niya.
- basahin ang iyong mga sulat, tingnan ang iyong mga mensahe sa cellphone, o pakialaman ang iyong pitaka o iba pang personal mong gamit?
- hindi pagbigay sa iyo ng pera, ang paglubog sa iyo sa utang at paglihiman ka tungkol sa pera?
- pigilan kang magkatrabaho o maging sanhi upang mawalan ka ng trabaho ?
- ang pagbantaang sasaktan ka, ang iyong pamilya, mga kaibigan, at mga alagang hayop?
- pilitin kang makipagtalik nang labag sa loob mo o pilitin kang makipagtalik sa paraang hindi mo gusto?
- manakot na papatayin ka o magpapakamatay siya kapag ikaw ay umalis?
- magkaibang pagkilos sa harap ng ibang tao at kapag kayong dalawa na lamang?
- maging dahilan upang mawalan ka ng mga kaibigan o na hindi na kayo magkita ng iyong pamilya?
Kung nag-aalala ka na maaaring nagpapakita ang iyong partner ng senyales ng pang-aabuso, SUMANGGUNI SA KINAUUKULAN. Kung ikaw ay NASA ISANG RELASYONG MAY PANG AABUSO at nais mo ng tapusin ang inyong relasyon, makatutulong ang pagkausap sa iyong magulang hinggil dito o ipagtapat sa iyong kaibigan o guro sa iyong paaralan o counselor upang ikaw ay masuportahan/ matulungan sa pakikipaghiwalay.
Paalalang Pangkaligtasan Para Sa Kababaihan
- Panatilihin ang pakikipag-usap sa mga kaibigan at tiyaking may panahon kang makisalamuha sa iba maliban sa iyong partner. Ipaalam sa iba ang iyong mga plano at kung saan ka pupunta.
- Maging abala sa mga gawaing kinahihiligan mo. Ipagpatuloy at huwag tumigil sa mga gawaing kinahihiligan at nakabubuti ng pakiramdam sa sarili .
- Magkipagkaibigan.Dagdagan ang iyong mga kakilalang maaring makatulong.
- Huwag mag-atubiling sabihin sa magulang o sa iba pang miyembro ng pamilya kung may problema.
- Huwag umasa sa pagsundo o paghatid ng partner .
Mga Paalala Kung Nais Tapusin ang Relasyong May Pang-aabuso:
- Sabihin sa iba ang iyong planong pakikipaghiwalay sa iyong partner. Ipaalam sa kanila kung saan ka pupunta.
- Tawagan ang isang kaibigan o “counselor” pagkaraan makipag-usap sa partner para maikuwento ang pangyayari .
- Magkaroon ng listahan ng mahahalagang numero ng telepono na kinabibilangan ng mga numerong maaaring tawagan sa pangkagipitang kalagayan (emergency), pati na rin ng mga makatutulong na kaibigan na maaari mong tawagan kung ikaw ay may problema. Isama sa listahang ito ang mga numero ng crisis lines.
- Isaalang-alang ang pagkakaroon ng iba pang matatakbuhan sa iyong paaralan o komunidad. Sumali sa isang “support group “ o tawagan ang isang “crisis line.”
- Baguhin ang nakagawian. Ibahin ang oras ng pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan o trabaho. Kung sumasakay sa bus o anumang pampublikong sasakyan, humanap ng kasama/ kasabay .
- Kung nag-iisa ka sa bahay, tiyaking nakakandado ang mga pinto at sarado ang mga bintana.
- Makipag-doubledate o lumabas na kasama ang isang grupo.
- MAGTIWALA SA IYONG KUTOB. Kung sa palagay mo ay nasa panganib ka, tumawag ng pulis. Humingi kaagad ng tulong.
-iSHARE o iREPOST para sa kaalaman ng kababaihan
from Philippine Commission on Women
